
Mapapanood muli ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista bagama't cameo lamang ito sa isang reality series ng Netflix.
This time naman, siya ay tampok sa romantic comedy movie na "The Wedding Hustler."
Nitong nakaraan ay ibinahagi ng Filipino-American Director na si Chris Soriano ang trailer ng nasabing pelikula sa YouTube noong October 29.
Mapapanood sa bandang huli ng pasilip ang aktres na nakikipag-video call sa Singaporean TV personality na si Kane Lim habang nagbibigay ng love advice.
Heto pa nga 'yung linya ni Heart sa trailer, "Well, you know what, love is love. Now, if they really love each other, they're going to work it out."
Relatable sa iilan ang kwento ng "The Wedding Hustler" dahil tungkol ito sa isang couple na naudlot ang kasal dahil sa COVID-19 pandemic.
Noong Oktubre nang kinumpirma ni Heart na mayroon siyang cameo appearance sa third season ng seryeng "Bling Empire."
Tungkol naman 'yan sa party adventures ng mga mayayamang Asian at Americans.
Kahit ang fashion mogul ay na-excite sa kanyang cameo at lubos na pinasasalamatan ang mga nakasama niya sa nakaraang serye.
"It was a fun cameo. Thank you Bling Empire for the sweetest party to Kane and Kelly you are angels :)" sabi ni Heart.