
Aminado ang aktres na si Sunshine Cruz na nagpapasalamat siya dahil nabuong muli ang pamilya ng aktres na si Sunshine Cruz at ex-husband na si Cesar Montano matapos ang isang dekada.
Nangyari nga ang naturang reunion ng dating mag-asawa kasama ang tatlo nilang anak sa 18th birthday celebration ni Sam Cruz at nitong nakaraan, nagpost ang aktres ng dalawang version ng kanilang family picture.
Ang isa ay kuha noong birthday ni Sam at ang isa naman ay kuha noong Marso 2013.
"Who would've thought that after almost 10 years mabubuo ulit in one frame! In God's perfect time talaga," sabi ni Sunshine at dagdag niya, sa kabila ng mga pinagdaanan nila noon ng dating asawa ay hindi naman ito dahilan para kalimutan ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga anak.
"Kahit ano pa ang nangyari noon, one thing na hindi mawawala ay ang pagiging magulang namin sa mga bata. The girls are genuinely happy to have their dad back in their lives," sabi ng aktres.
Nagpasalamat rin ang aktres sa bagong partner ni Cesar na si Kath Angeles dahil sa pagiging mabuti nito sa kanyang mga anak.
"Thank you Kath for being a wonderful Tita to my girls, I/we appreciate you! My girls love your kids so much," sabi ni Sunshine.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay dahil sa pagtanggap nito sa kanya at sa tatlong mga anak.
Bukod rito, nagpasalamat rin si Sunshine sa lahat ng mga taong patuloy na nagpapadala ng magaganda at positibong mensahe sa kanya.
Mukha naman napatawad na ng aktres ang dating asawa dahil makikita ang isang quote sa dulo ng kanyang post na may kinalaman sa pagpapatawad.