Skip to content
DYARYO TIRADA

WiFi sa ASEAN IMC pumalya dahil sa dagdag-cybersecurity

WiFi sa ASEAN IMC pumalya dahil sa dagdag-cybersecurity

Photo by Yummie Dingding for DAILY TRIBUNE

Text size

Panandaliang kumawala ang koneksyon ng internet sa International Media Center (IMC) sa World Trade Center, Pasay City, umaga ng Linggo bunsod ng mas pinaigting na cybersecurity measures ng pamahalaan para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Humingi naman ng pasensya at pag-unawa si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Robert Joseph de Claro, kasunod ng isinagawang karagdagang pagsusuri ng ahensya matapos ang aberya sa Microsoft sa Estados Unidos na nagresulta sa pagtigil ng operasyon sa himpapawid.

Bagaman bumalik din ang Wi-Fi sa lugar makalipas ang ilang minuto, nananatili itong mabagal.

Paliwanag ng kalihim, hindi ang bilis ng internet sa IMC ang problema, kundi ang mga dagdag na security protocols na dinaraanan ng koneksyon sa iba't ibang device bago makarating sa mga mamamahayag.

Aminado naman si De Claro sa posibleng banta sa cybersecurity sa mga website ng pamahalaan kaugnay ng ilang isyu sa ASEAN summit, kabilang ang P22.9 bilyong badyet ng administrasyon dito at ang pagbisita ni U.S. President Donald Trump upang umano’y selyohan ang proyekto ng Pax Silixa.

"It is a threat that we are evaluating," saad ng kalihim.

"’Yung protest naman, we are in a democracy so there are also ways and means and channels for you to lodge complaints, but attacking government channels that provide services, parang anti-people naman 'yan," giit pa niya.

Nanindigan naman si Presidential Communications Office acting Secretary Lino Cayetano na ang pagpalya ng koneksyon ay nakasentro lamang sa media hub at walang kinalaman sa iba pang opisyal na pasilidad at venue ng summit.

Also read PBBM sa ASEAN: Pagkakaisa, kooperasyon ang kailangan

"Walang particular threat, but it is really making sure that there is a proper assessment and evaluation so there are no breaches," saad ni Cayetano.

"’Yung wired po natin, mabilis ang internet. Ang problema po natin ngayon ay 'yung WiFi. We'll get it done within the day," dagdag pa niya.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.