Montalban Mayor: Magpa-second floor para iwas baha

Share

Share
San Beda University clinched the bronze medal in the NSAC World Invitational after fending off Jose Rizal University…
University of Santo Tomas (UST) rolled past Jose Rizal University, 97-92, in double overtime on Saturday to nail the…

National Collegiate Athletic Association (NCAA) teams sizzled early as San Beda University and Jose Rizal University…

Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) reported a net income of P4.11 billion in the first half of 2026, down 22.6…

Pati rin pala ang dyosang si Jessy Mendiola ay humaharap sa problemang kinahaharap ng maraming babae: partner na…
Inulan ng batikos mula sa mga residente ng Rodriguez (Montalban), Rizal ang pahayag ni Municipal Mayor Ronnie Evangelista na pagpapagawa ng second floor ang mainam na solusyon para sa mga lugar na madalas bahain.
Ginawa ni Evangelista ang pahayag matapos ang matinding pagbaha sa ilang bahagi ng bayan dulot ng habagat noong Sabado, ika-29 ng Agosto.
“Ang usapan namin dito, sila na mismo ang magpapagawa ng bahay nila, gagawin nilang two-storey,” ani Evangelista sa panayam ng GMA News.
Ayon sa alkalde, normal nang bahain ang ilang lugar sa munisipalidad dahil sa topograpiya nito.
Nang tanungin kung tutulungan ba ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa pagpapagawa ng second floor, mabilis na sumagot si Evangelista: “No, no, no. May pera na rin yung mga ’yan.”
“Alam mo kung gaano karami ’to, 2,000 plus ’to eh. Di kakayanin ng LGU,” dagdag ng alkalde.
Dahil dito, umalma ang ilang residente sa social media at kinuwestiyon ang mungkahi ng alkalde.
“Pahingi ng pampa-second floor,” saad ng isang residente, habang komento naman ng isa, “Kinukupal na tayo ni Mayor.”
Kaliwa’t kanan ang mga social media post ng mga biktima ng baha nitong Sabado ng gabi, na humihingi ng rescue habang ang ilan ay napilitang umakyat sa bubong ng kanilang mga bahay.
Naupo bilang alkalde si Evangelista, isang retired general simula 2022. Isa sa kanyang mga ipinangakong plataporma ang mabilis at maayos na pagtugon sa bawat krisis.
Sa kanyang panunungkulan, itinampok ng kanyang administrasyon ang mantrang, “Bangon Bagong Montalban.”
Gayunman, nagpapatuloy ang mga reklamo ng ilang residente tungkol sa problema sa pagbaha matapos ang panibagong insidente nitong weekend.
Hindi na rin bago sa Montalban ang matinding pagbaha. Noong 2020, dalawang taon bago maupo si Evangelista sa posisyon, matinding naapektuhan ang bayan ng Bagyong Ulysses, na nagpalikas sa mahigit 6,000 pamilya.
Kabilang sa mga tinamaan noon ang Kasiglahan Village sa San Jose, Rodriguez, Rizal, ang parehong barangay kung saan naninirahan ang alkalde. Ito rin ang isa sa mga naapektuhan ng habagat nitong Sabado.
Quarry operations
Inamin din ni Evangelista na isa sa mga nagpapalala ng sakuna ay ang quarry operations sa lugar.
“Yah, contributory ang quarry sa mga ganito, may putik, ganoon. Pero sasabihin mo sa pagbaha, even without quarry kasi, binabaha rin naman kami,” aniya, sabay kabig ng, “I am not trying to protect quarry, ano. Syempre nakakasira ng kalikasan.”
Sa kasalukuyan, mayroong 16 na aktibong quarry sites sa Montalban na nakakalat sa mga bulubunduking bahagi ng Barangay San Isidro, Macabud, San Jose, at San Rafael — mga operasyong matagal nang itinuturo ng mga residente at environmental groups na sanhi ng pagbaba ng lupa at pagdagsa ng putik tuwing may bagyo.