Palasyo, dumipensa sa Birthday Sabbatical ni FL Liza



ABS-CBN Corp. has extended its financial lifelines as the once-dominant broadcaster continues efforts to repair its…

First Philippine Holdings Corp. (FPH) has rejected major American global investment firm, Kohlberg Kravis Roberts &…

President Marcos does not have aby idea about the so-called Leadership Funds, or lump sums in the budget meant for pork…

The President should make this the defining political reform of his administration — and begin with a personal…

First Lady Liza Araneta-Marcos announced on her official Facebook account that she will go on a sabbatical ahead of her…
Nilinaw ni First Lady Liza Araneta-Marcos na hindi umano nangangahulugang tinalikuran ang mga pilipinong naapektuhan ng baha hinggil sa kanyang birthday posts na nag-anunsyo ng isang linggong “birthday sabbatical.”
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nauunawaan nila ang mga batikos kaugnay ng timing at paraan ng pagkakasulat ng naturang post. Gayunman, iginiit niyang hindi ito nangangahulugang tumigil na sa pagtulong ang First Lady.
“Karapatan ng bawat isa na magkaroon ng sariling opinyon at ito naman po ay mahalaga at pinakikinggan ni First Lady,” ani Castro.
Ipinaliwanag din ni Castro na bago pa man dumating ang malakas na ulan, aktibo na si Liza sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kabilang dito ang pamamahagi ng rice assistance sa mga senior citizen sa Negros Occidental at ang mga programa sa ilalim ng “LAB for All.”
Binigyang-diin ni Castro na patuloy ang pagtulong ng First Lady kahit hindi ito palaging nakikita ng publiko.
“Hindi naman nagkukulang ang ating First Lady sa kanyang tulong. Hindi n’yo man siya nakikita madalas, pero behind the scenes, alam natin kung ano ang ginagawa ni First Lady at katuwang siya ng ating Pangulo,” pahayag niya.