Lalaki, arestado sa buy bust sa Bataan


Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Larry Valencia.
Isinagawa ang operasyon dakong ala-una ng madaling-araw sa Bonifacio Street, Barangay Poblacion, Mariveles, Bataan.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱680,000. Nakumpiska rin ang limang tig-₱1,000 na marked money at isang cellphone na umano’y ginamit sa transaksyon.
Ayon sa suspek, may isang taong nagsusuplay sa kanya ng ilegal na droga at siya lamang umano ang nagsasagawa ng delivery.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Buddies, associates? One happy family?
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’