VP Sara sa mga pangako ni PBBM: 'Tinupad ba niya? Hindi!'



It has gotten so bad that some have even suggested that making the trial tedious enough for people to stop watching may…

Nearly a week after their heated courtroom exchange became one of the highlights of the 15th day of Vice President Sara…

The Senate impeachment court allowed the prosecution on Monday to question Vice President Sara Duterte’s aide about her…

Senator-judge Erwin Tulfo on Monday questioned former Office of the Vice President (OVP) official Gina Acosta over her…

Vice President Sara Duterte personally ordered the release of P125 million in confidential funds to her security…
Matapos mapanood ng publiko ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes, muling binatikos ni Vice President Sara Duterte ang mga pangakong binitiwan ng Pangulo, partikular na ang tungkol sa kontrobersyal na flood control projects.
Binalikan ni VP Sara ang linyang “Mahiya naman kayo” ni Marcos at ibinalik ang batikos sa administrasyon kaugnay ng bilyun-bilyong pisong flood control scandal. Aniya, wala umanong natupad na pangako ang Pangulo sa mga Pilipino matapos nitong tiyaking bago matapos ang taon ay may mananagot at makukulong sa anomalya.
“Wala naman siya naipakulong sa flood control scandal eh. Yung sinabi niya na ‘mahihiya naman’ kayo, it was a PR stunt, para mailayo niya yung sarili niya doon sa flood control scandal,” ani Duterte sa isang panayam sa The Hague, Netherlands.
Binalikan din ng Bise Presidente ang pangakong P20 kada kilo ng bigas, na isa sa mga naging pangunahing pangako ng tambalang Marcos-Duterte noong 2022 presidential elections.
“Doon tayo sa 20 ang bigas, tinupad ba? Hindi!” ani VP Sara.
Kabaligtaran naman ito sa pahayag ni Marcos na mahigit 12 milyong Pilipino ang nakinabang sa mga programang ito ng kanyang administrasyon.
Nang tanungin kung napanood o nabasa niya ang transcript ng SONA ng Pangulo, diretsahan namang sinabi ni Duterte na wala siyang interes dito.
“Hindi ako nanood ng SONA, like last year, and wala akong planong basahin ang nilalaman o kahit man lang summary. I truly believe that it is just a waste of time,” pahayag ni VP Sara.