Delivery rider patay sa salpukan sa Pasay


Patay ang isang delivery rider, habang kritikal naman ang isang construction worker matapos ang isang malagim na aksidente sa kahabaan ng Villamor Service Road-C5 sa Pasay City.
Ayon sa mga traffic enforcer na rumesponde sa insidente, nakatulog umano ang drayber ng isang pick-up truck habang nagmamaneho, dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan.
Dahil dito, diretsong inararo ng pick-up truck ang motorsiklong minamaneho ng delivery rider. Sa tindi ng banggaan, hindi agad huminto ang sasakyan at tuluy-tuloy itong sumalpok sa isang L300 van na nakaparada sa gilid ng kalsada.
Sa pagbangga ng pick-up sa van, nadamay din ang isang construction worker na naglalakad sa lugar at nagtamo ng matinding pinsala.
Nadatnan ng mga rumespondeng awtoridad na nakahandusay sa kalsada ang delivery rider. Agad siyang isinugod sa Pasay General Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival.
Samantala, ang construction worker ay isinugod din sa ospital at nananatiling nasa kritikal na kondisyon.
Dinala naman ng pulisya ang drayber ng pick-up truck sa Pasay Traffic Bureau para sa kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon.
Ayon sa Pasay Police, posibleng maharap ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, at damage to property.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…