Nagbalik na sa face-to-face classes ang San Jose National High School sa Tacloban ngayong Lunes matapos ang kauna-unahang shooting incident na naitala sa bansa at ikinasawi ng tatlong mag-aaral.
Kasabay nito, pinaigting ng pamunuan ng paaralan, katuwang ang pulisya, ang mga hakbang sa seguridad. Kabilang sa mga ipinatupad ang paglalagay ng anim na karagdagang CCTV cameras, dalawang walk-through metal detector, at pagde-deploy ng mga pulis sa labas ng campus.
Ayon sa Schools Division Office ng Tacloban City, magpapatuloy rin ang pagbibigay ng psychosocial support sa mga estudyante, guro, at iba pang miyembro ng komunidad ng paaralan upang matulungan silang makabangon mula sa nangyaring trahedya.