Naghahanda na ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para sa posibleng epekto ng Super Typhoon Bavi, kahit nasa labas pa ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, nakaalerto na ang mga alkalde sa rehiyon at nakatakdang makipagpulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang higit pang palakasin ang koordinasyon at paghahanda.
Kabilang sa mga hakbang na isinasagawa ang pagtiyak na maayos na gumagana ang mga pumping station, pagpoposisyon ng mga kagamitang pang-emergency, paglilinis ng mga drainage system, estero, ilog at sapa, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak ang sapat na suplay ng mga food box para sa mga maaapektuhang residente.
Inaasahang pumasok ng PAR ang bagyo mamayang gabi na tatawaging Super Typhoon Inday.