Planong mass shooting sa paaralan sa Leyte, napigilan

DILG Secretary Jonvic Remulla warns Vitaly Zdorovetskiy may face charges and possible extradition over alleged bribery during detention.
Photo courtesy of PNA

DILG Secretary Jonvic Remulla warns Vitaly Zdorovetskiy may face charges and possible extradition over alleged bribery during detention.
Photo courtesy of PNA

Opisyal nang kinilala ang Pilipinas bilang number one retirement destination sa buong mundo para sa taong 2026, ayon sa…

Todo kalkal ang netizens ngayon ng baho ni Raymond Gutierrez matapos tila patutsadahan si Heart Evangelista sa kaniyang…

Apat na taon mula nang lisanin ang bandang Callalily, isiniwalat ng dating bokalista na si Kean Cipriano na hindi pa…

Hindi napigilan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na bumuwelta sa…

Sa isang interview, walang takot na sinabi ni Jennica Garcia ang kanyang pet peeve pagdating sa trabaho.
Napigilan ng mga awtoridad ang umano’y planong mass shooting sa isang paaralan sa Leyte noong gabi ng Miyerkules.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, isang 14-anyos na Grade 10 student ng Tolosa National High School ang nagbanta ng pamamaril at pananaksak sa kanilang paaralan.
Nabunyag ang plano matapos makatanggap ng impormasyon mula kay Senador Bam Aquino pasado alas-8 ng gabi, na agad namang ipinasa sa mga kinauukulang awtoridad para imbestigahan.
Batay sa salaysay ni Remulla, gumamit umano ang mag-aaral ng maraming dummy accounts sa social media upang maglabas ng mga pagbabanta. Natunton ito ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ngunit sa isinagawang pagsisiyasat ay napag-alamang wala namang akses sa baril ang bata at maging ang kanyang mga magulang.
Pinaniniwalaang maaaring naimpluwensiyahan ang mag-aaral ng kamakailang insidente ng pamamaril sa Tacloban City, dahilan upang ilarawan ng kalihim ang kaso bilang isang “copycat attempt.”