9 patay sa pinakamalalang school shooting sa Canada



Continuous heavy rains from the enhanced southwest monsoon prompted mass evacuations, street flooding and transit…

OLONGAPO CITY, Zambales — A dismissed police officer allegedly shot a husband and wife outside their residence in…

‘My group of friends who knew him said he was interested in the FBI and guns, and that he was bullied by many other…

MISAMIS ORIENTAL — Police responded to a reported online shooting threat targeting Malaybalay City National Science…

The Department of Education (DepEd) urged parents and law enforcement agencies Wednesday to strengthen gun safety…
Hindi bababa sa siyam na katao ang nasawi sa maramihang pamamaril sa isang high school at kalapit na tirahan sa Tumbler Ridge, British Columbia, ayon sa mga awtoridad noong Martes. Itinuturing itong pinakamadugong insidente ng pamamaril sa paaralan sa Canada sa nakalipas na ilang dekada.
Rumesponde ang pulisya sa ulat ng active shooter sa Tumbler Ridge Secondary School bandang 1:20 p.m. at natagpuan ang anim na patay at dose-dosenang sugatan. Isa pang biktima ang binawian ng buhay habang isinusugod sa ospital.
Dalawa pang bangkay ang nadiskubre sa isang tirahan na pinaniniwalaang may kaugnayan sa insidente.
Natagpuan ding patay sa loob ng paaralan ang hinihinalang gunwoman, na ayon sa pulisya ay may self-inflicted injury. Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang kanyang pagkakakilanlan at motibo.
Dalawang sugatan ang inilipad sa ospital dahil sa malubhang pinsala, habang humigit-kumulang 25 iba pa na may di-gaanong seryosong sugat ang ginamot sa lokal na pasilidad.
Mananatiling sarado sa natitirang bahagi ng linggo ang paaralan, na may tinatayang 175 mag-aaral mula Grades 7 hanggang 12, pati na ang mga kalapit na campus.
Ayon kay Royal Canadian Mounted Police Superintendent Ken Floyd, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng pag-atake at kung may koneksyon ang mga biktima sa suspek. Tiniyak din ng mga opisyal na wala nang banta sa publiko.
Inilarawan ng mga lider ng pamahalaan ang insidente bilang isang “nakapanlulumong trahedya,” habang nagpaabot ng pakikiramay sa komunidad ng Tumbler Ridge, na may populasyong humigit-kumulang 2,400 residente.
Nanatiling bihira ang mass shootings sa Canada, kung saan mas mahigpit ang regulasyon sa baril kumpara sa Estados Unidos.