
Nag-guest si Sam Milby kamakailan sa show ni Boy Abunda sa GMA 7 na Fast Talk para i-promote ang pelikula nila nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na Everything About My Wife (na palabas pa rin ngayon sa mga sinehan sa buong bansa).
Pero ang nangyari ay umiiyak na ipinagtapat ng aktor na nagdusa talaga siya sa ‘di natuloy na pagpapakasal nila ni Catriona Gray pagkatapos nilang ibalita na engaged to be married na sila.
Hindi lang nasawing-palad ang Fil-Am actor kundi napahiya rin sa nangyari.
Gayunpaman, bilang pagpapaka-gentleman macho, hindi ang pagkapahiya niya ang binigyang diin ni Sam sa interbyu kundi ang pagtitiis at pagpipigil sa sarili na ipagtapat ang dahilan ng naunsyaming pagpapakasal.
Napaiyak siya sa pagsasabing mahal ba mahal pa rin n'ya si Catriona at "I will always care for her."
Pinagtiisan din umano ng Fil-Am actor na huwag aluin ang Miss Universe 2018 nung naulinigan niyang umiiyak ito sa isang punto ng concert ni TJ Monterde dahil naapektuhan ang Fil-Australian beauty sa kanta ni TJ.
Ilang upuan lang ang layo ni Sam kay Catriona habang nanood sila pero nagtiis siyang huwag lumapit sa ex-girlfriend para di sila mapagtuunan ng pansin.
Maaaring hindi na talga maghihiwalay ang mga landas nina Sam at Catriona dahil isang kumpanya lang ang nagma-manage sa kanila, ang Cornerstone Entertainment, na siya ring manager ni Piolo Pascual.
Nakunan na rin sila ng litrato na bumibiyahe sa ibang bansa at hindi rin sila magkatabi sa upuan kahit nagkakatanawan sila.