Dennis Trillo, sinayawan si Jennylyn na Sunflower lang ang suot

‘Everything About My Wife’ features real-life couple Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.
PHOTOGRAPHS COURTESY OF crea7ion studios
Magaling palang mag-strip act at mag-macho dancing si Dennis Trillo! Talbog sa kanya si Mark Herras na nagpe-perform sa gay bar pero di naman nagma-macho dancing.
Pero sa pelikula lang na Everything About My Wife nag-strip act at macho dancing si Dennis sa harap mismo ng misis n'yang si Jennylyn Mercado (na ang papel sa pelikula ay misis din ni Dennis).
Hindi pa raw handa ang Crea-Zion Studios, main producer ng Everything About My Wife, na mag-release ng still shot ng eksenang malaking sunflower na lang ang nakatakip sa kwan ni Dennis. Posibleng ayaw nilang i-release yon.
Pero nag-opening na ang pelikuka sa mga sinehan nationwide nitong February 26, kaya pwede n'yo nang mapanood ang paghuhubad ni Dennis at pagsasayaw na magtatapos sa eksenang bulaklak na lang ang takip sa birdie n'ya.
Nung Feb. 25 lang nag-gala premiere ang Everything About My Wife. Kung ano ang ipinalabas sa premiere night, yun din ang ipinapalabas sa publiko. Approved ng Movie and Television Review and Classification Board ang mga ipinapapanood sa mga gala premiere.
Dennis is at his handsomest sa pelikula. At parang sa pelikulang ito rin pinakamaganda at pinaka-sexy si Jennylyn.
Very effective rin naman si Sam Milby sa mga eksenang sine-seduce n'ya si Jennylyn dahil lihim siyang kinausap ni Dennis na gawin yon ni Sam sa misis niya.
