
(FILE PHOTO)
Photograph courtesy of PhilHealth
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Dinepensahan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang paglilipat ng mga sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa national treasury.
Sa isinagawang oral argument nitong Martes, sinabi ng OSG sa Korte Suprema na imbis na manghiram ng pera upang pondohan ang mga importanteng programa ng pamahalaan partikular ang mga proyektong pangkalusugan at panlipunan pinili ng lehislatura ang mga magagamit na pondo na hindi daw nagagamit ng produktibo.
Bukod pa dito, tinukoy din ng Kongreso ang isa sa mga respondent ang fund balance ng mga korporasyon ng gobyerno para maging source ng karagdagang pondo para matugunan ang Unprogrammed Appropriations
Pinangunahan nila Sen. Aquilino Pimentel III at Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares at 1SAMBAYAN Coalition at kasama rin ang mga miyembro ng University of the Philippines Class 1975, Senior for Seniors Association, Inc. , Kidney Foundation of the Philippines, at iba pang pribadong indibidwal ang paghahain ng mga petisyon sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth.
Respondents sa mga petisyon ay sina House of Representatives na kinakatawan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Department of Finance (DOF) Secretary Ralph G. Recto at maging ang Senado na kinatawan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, Senate President Francis Chiz Escudero at PhilHealth na kinakatawan ng Pangulo nitong si Emmanuel Ledesma Jr.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…