
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng militar nitong Linggo na isang hinihinalang improvised explosive device o IED ang sumabog sa loob ng pampasaherong bus sa Tacurong City, sa Sultan Kudarat na ikinasawi ng isang pasahero habang higit-kumulang 10 naman ang bilang ng mga sugatan dahil sa insidente.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nangyari ang pagsabog sa Park Yellow Bell sa Barangay New Isabela dakong 11 a.m. at ang bus ay nagmula sa Kidapawan City na patungo sana sa Tacurong Public Terminal.
Isa ang nasawi at ang mga sugatan ay agad na dinala sa ospital.
Agad namang kinordunan ng pulisya ang lugar kung saan naganap ang pagsabog upang i-assess ang sitwasyon.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung anong uri ng eksplosibo ang ginamit sa pagpapasabog at kung ano ang motibo sa likod ng insidente.
Samantala, patay ang isang sundalo habang dalawa ang nasugatan sa pag-atake ng armadong grupo sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan sa Maguindanao del Sur, ayon sa militar.
Batay sa ulat ng 601st Infantry Brigade (IB), nagbabantay ang mga sundalo ng 40th Infantry Batallion at mga boluntaryong sibilyan sa pagsasaayos ng nasirang tulay sa Barangay Labulabu II nang biglang sumalakay ang grupo noong gabi ng Biyernes.
Kinilala ng militar ang nasawi bilang si Private First Class Jomar Saladar habang sugatan naman sina Sgt. Allan Rey Estanda at Private Carl Araña. Dinala umano sa ospital ang dalawang sugatang sundalo.
Umabot nang higit isang oras ang palitan ng putok bago umatras ang grupo, na sinasabing mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ani Maj. Saber Balogan ng 601st IB.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…