
Photo by Al Padilla
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagsimula na nitong Miyerkules ang pagpapatupad ng mandatory face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan matapos ang dalawang taon ng distance at blended learning dulot ng coronavirus disease pandemic sa bansa.
Sa National Capital Region (NCR), nasa 94 porsiyento ng kabuuang 827 pampublikong paaralan sa rehiyon ang nagpapatupad na ng 5 araw na face-to-face classes.
Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa, patuloy na binabantayan ng DepEd ang situwasyon sa iba pang rehiyon.
"Sa ngayon po, maayos naman po ang resumption ng ating classes so far," sabi ni Poa. "Naghihintay rin po kami ng feedback from our regional directors, para po kung may challenges encountered man ay matugunan agad."
Dagdag pa ng DepEd official, bago pa ang utos para sa November 2 na mandatory full face-to-face classes, maraming paaralan na sa bansa ang nagpatupad ng in-person classes kasabay ng pagsisimula ng school year noong Agosto.
Pinapayagan namang magpatuloy sa distance o blended learning ang mga pribadong paaralan.
Nauna nang sinabi ng DepEd na papayagan ding i-exempt sa full face-to-face classes ang ilang public schools, gaya ng mga naapektuhan ng mga bagyo at lindol kamakailan at kasama rito ang mga eskuwelahang hinagupit ng Bagyong Paeng, na balik-modular learning.
Sinabi pa ni Poa na nasa pagpapasya ng mga DepEd regional director kung ie-exempt ang public schools at papayagan silang makapag-blended learning pa rin.
Sa NCR ay may 50 paaralan umanong exempted na kumakatawan sa anim porsiyento ng kabuuang bilang ng public schools sa rehiyon.
Ayon kay DepEd NCR regional director Wilfredo Cabral, patungo na rin sa full in-person classes ang mga paaralan at kailangan lang resolbahin ang ilang isyu tulad ng pagpapatayo ng mga karagdagang gusali.
Kaugnay naman sa pagsusuot ng face mask sa loob ng mga gusali ng eskuwelahan, sinabi ni Poa na susundin nila ang Executive Order No. 7 na pumapayag sa boluntaryong pagfe-face mask sa indoor spaces gaya ng mga silid-aralan.
Pero aminado si Poa na sanay na ring mag-face mask ang mga estudyante at guro, batay sa pag-iikot sa mga paaralan ngayong umaga ng Miyerkoles.
Nakatakdang maglabas ang DepEd ng amendatory department order kaugnay sa voluntary mask sa mga paaralan.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…