Maricel Soriano, nasobrahan sa retoke?

Umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media si Diamond Star Maricel Soriano matapos mapansin ng ilang netizens na tila hirap itong igalaw ang bibig at panga habang nagsasalita sa isang press conference.
Kuha ang mga kumalat na larawan at video sa media conference para sa kaniyang pelikula na Haunted Carnival, isa sa mga opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. Hinala ng ilang netizens, tila nasobrahan daw ata sa botox ang beteranang aktres. “Nasobrahan [ata] sa botox,” komento ng isang netizen sa social media.
Banat naman ng isa pa, maaaring “infection sa retoke” ang dahilan ng pagbabago sa pananalita at ekspresyon ng mukha ni Maricel.
Gayunman, may ilan pa rin namang concerned netizens at fans ang rumesbak sa aktres. “May spinal arthritis siya baka naapektuhan na kaya ganyan na siya mag salita or yung bibig
niya,” depensa ng isang netizen.
“Tulad ’yan kay Celine Dion. Hindi ’yan dahil sa iniisip ninyo, guys. Ganoon talaga kapag tumatanda tayo, lumalabas ang mga sakit sa katawan. Bawal maging judgmental. Alamin muna kung ano ang nangyari kay MS para malaman ang totoo,” buwelta rin ng isang fan.







