Skip to content
DYARYO TIRADA

Gloc-9 dumipensa sa gaming endorsement

Gloc-9 dumipensa sa gaming endorsement

Gloc-9

Text size

Nanindigan si OPM legend at rapper Gloc-9 sa kaniyang desisyon na makipagkolaborasyon sa isang online gaming platform sa kabila ng mga batikos na natanggap niya.

Sa isang panayam kaugnay ng kaniyang bagong kantang “Tara G!,” inamin ng rapper na pinag-isipan muna niya ang pagtanggap sa proyekto dahil sa mga posibleng reaksiyon dito.

“I’ve been in the industry, next year, for 30 years. Noong nahulog sa harapan ko ang project na ito, siyempre, may time din na kino-contemplate ko siya,” ani Gloc-9.

“Dapat matuto tayong tumanggap ng mga bagay na out of our comfort zone. Ito ay challenge sa akin. May mga haharapin din akong ibang bagay dahil dito,” dagdag niya.

Iginiit din ng rapper na matapos ang halos tatlong dekada sa industriya ng musika, mayroon na siyang kalayaang pumili ng mga proyektong nais niyang tanggapin.

“Pero 50 years old na ako next year, so I think with almost three decades na binigay ko sa industry, pwede ko naman siguro piliin kung ano yung trabahong pwede kong gawin,” paliwanag niya.

Umani ng kritisismo ang naturang kolaborasyon dahil sa masasamng epekto ng sugal sa lipunan, lalo na at kilala siya sa mga kantang tumatalakay sa kahirapan, katiwalian at iba pang suliraning panlipunan.

Nilinaw rin ni Gloc-9 na bahagi rin ng kanyang tungkulin sa proyekto ang paghikayat sa responsableng paglalaro.

“Hindi lang kami hikayat [nang] hikayat. Kami rin ang nagsasabi na dapat alam mo ang boundaries mo, alam mo kung kailan tama na,” rason niya.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.