Castro: Digital economy rin ang tututukan

Ipinahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang positibong pananaw sa progreso ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, na nagsisilbing mahalagang plataporma upang maihayag ng mga miyembrong bansa ang kani-kanilang mga concerns at paninindigan sa mga usaping panrehiyon.
Ayon kay Castro, hindi lamang ang Code of Conduct (COC) ang nakatuon sa mga talakayan sa summit, kundi maging ang pagpapalawak ng mga oportunidad sa negosyo, kalakalan, pamumuhunan at digital economy.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng Digital Economy Framework Agreement (DEFA), na inaasahang makapagbibigay ng malaking pakinabang sa ekonomiya at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyon.
“Malaki ang maidudulot nito sa pang-araw-araw na buhay natin, sa ekonomiya, sa araw-araw na pangangailangan natin,” ani Castro.







