Skip to content
DYARYO TIRADA

P1.275B para sa Phl football

P1.275B para sa Phl football

Photo courtesy of PFF

Text size

Bumisita sa Pilipinas si Fédération Internationale de Football Association (FIFA) President Gianni Infantino nitong Linggo, 15 Nobyembre, para sa paglagda sa kasunduan na magbibigay-daan sa modernisasyon ng Rizal Memorial Football Stadium at pagpapaunlad ng football facilities sa bansa.

Sinalubong ni Philippine Football Federation (PFF) President John Anthony Gutierrez si Infantino sa kanyang pagdating sa bansa, kasabay ng pagdalo nito sa 2026 ASEAN Football Federation Congress sa Makati City.

Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng FIFA, PFF at Philippine Sports Commission (PSC), maglalaan ang FIFA ng halos US$20 milyon o katumbas ng P1.275 bilyon para sa pagsasaayos ng makasaysayang Rizal Memorial Football Stadium at pagtatayo ng tatlong regional football training center.

Also read Giannis, Heat kuha na tamang timpla

Nakatakdang gawing moderno ang Rizal Memorial Stadium upang matugunan ang pamantayan ng mga international competition, habang itatayo naman ang mga training center sa Luzon, Bacolod City at Cagayan de Oro.

"Together we share the same vision of creating more opportunities for girls and boys to play, grow and chase their footballing dreams. Thank you all for your dedication to uniting communities through our beautiful game," ani Infantino sa kanyang social media post kaugnay ng pagbisita sa Maynila.

Bahagi ito ng patuloy na suporta ng FIFA sa pagpapaunlad ng football sa Pilipinas, kasunod ng matagumpay na pagho-host ng bansa sa inaugural FIFA Women's Futsal World Cup noong 2025.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.