Skip to content
DYARYO TIRADA

Australia PM, climate minister, nagbiruan tungkol sa ari

Australia PM, climate minister, nagbiruan tungkol sa ari

Photo courtesy of EPA

Text size

Nauwi sa kontrobersiya ang pribadong biruan nina Australian Prime Minister Anthony Albanese at Climate Minister Chris Bowen matapos mahuling nakabukas ang kanilang mikropono habang nasa climate summit sa Antalya, Turkey.

Nag-ugat ang usapin nang payuhan ni Albanese si Bowen na huwag ilagay ang kaniyang telepono malapit sa kaniyang puso dahil maaari umano itong makaapekto sa heart rhythm o pulso ng puso. Sumagot naman si Bowen na mas inaalala niya ang paglalagay ng telepono sa kaniyang bulsa.

Dito ay nagbiro si Albanese: “Because of your dick?”

Also read Sa likod ng tabing

“Arguably more important than the heart,” sagot naman ni Bowen, sabay mahinang humagikhik.

Nilinaw ng tagapagsalita ni Albanese sa Agence France-Presse na nagbibiruan lamang ang dalawa sa pagitan ng kanilang mga opisyal na pagpupulong.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa mga kontrobersyal na biro ang Australian Prime Minister. Nauna nang umani ng batikos ang kaniyang mga pahayag sa isang podcast kung saan sinabi niyang gugustuhin niyang "i-shag" ang sikat na mang-aawit na si Kylie Minogue.

Bukod dito, pinuna rin ang kaniyang malisyosong komento nang matanggap niya ang regalong mga melon mula sa Japanese Prime Minister, kung saan nakasenyas ang kanyang mga kamay malapit sa kaniyang dibdib at sinabing, "She brought two, and they are beautiful.”

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.