Skip to content
NATION

Suspek na pumaslang sa tindera sa Dinalupihan, nadakip sa Pampanga

Suspek na pumaslang sa tindera sa Dinalupihan, nadakip sa Pampanga
Text size

Tatlong araw pagkaraan ng pagpaslang sa isang 62-anyos na tindera sa palengke ng Dinalupihan, Bataan, naaresto ang 41-anyos na babaeng suspek na sangkot sa krimen sa may Lubao, Pampanga nitong 9 Nobyembre 2026.

Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), naaresto ang suspek bandang 10:20am na konektado sa robbery-homicide na nagandap sa Dinalupihan Public Market sa Barangay San Ramon nitong 6 Nobyembre. Ang biktima raw ay may ari ng isang ready-to-wear (RTW) clothing stall.

Iniimbestigahan ng pulis ang anggulo na may utang na umaabot sa P2-milyon ang naturang suspek kaya napatay nito ang biktima. Ngunit ayon sa pulis, hindi pa ito kongkretong motibo kaya patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Also read Army supports service caravan in Vintar, Ilocos Norte

Ang suspek ay residente ng Barangay San Pablo II ng Lubao, Pampanga, at kasalukuyang naka detine sa Dinalupihan Municipal Police Station para masampahan ng karampatang kaso.

Kasalukuyang nangangalap pa rin ang otoridad ng mga ebidensiya upang malaman ang tunay na motibo sa pagpatay sa tindera.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.