Skip to content
DYARYO TIRADA

Tatlo arestado! Drug den sa Mabalacat kinandado

Tatlo arestado! Drug den sa Mabalacat kinandado

Pampanga Police Provincial Office

Text size

Tatlong katao ang inaresto ng kapulisan pagkatapos magsagawa ng buy-bust operation sa isang hinihinalang drug den sa Purok Mangingisda, Barangay Sta. Monica sa bayan ng Sasmuan, Pampanga noong 19 Oktubre 2026.

Ayon sa Pampanga Police Provincial Office (PPO), nasamsam sa operasyon ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 16.83 gramo at tinatayang halagang P114,444.00.

Narekober din ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P500, dalawang lighter, dalawang cellular phone, tatlong piraso ng aluminum foil, at isang berdeng pouch.

Nahaharap ang mga naaresto sa mga kaukulang kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 13, 14, at 15, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, alinsunod sa resulta ng imbestigasyon.

Patuloy ang pinaigting na pakikipagtulungan ng Pampanga Police Provincial Office sa mga katuwang na ahensiya upang sugpuin ang ilegal na droga, lansagin ang mga lugar na ginagamit sa bentahan at paggamit nito, at panatilihing ligtas ang mga komunidad sa buong lalawigan.