Skip to content
DYARYO TIRADA

Manyakol na erpats, sa kulungan na magtetebats

Manyakol na erpats, sa kulungan na magtetebats

CIDG

Text size

Isang lalaki na nanghalay ng anak at apo ang nadakip ng kapulisan pagkatapos ng Isang manhunt operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong 8 Oktubre 2026.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nahuli ang 60-anyos na suspek na naghahanap sa 11 kaso ng Rape, Rape by Sexual Assault, Qualified Statutory Rape, Acts of Lasciviousness, at violation of Section 10(a) of Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Ang mga naturang kaso at inisyu ng Cabanatuan City, Nueva Ecija court nitong 7 Oktubre, at no bail sa kasong Rape at Qualified Statutory Rape.

Ayon sa report, nagsagawa ng manhunt operation ang CIDG Women and Children Complaints Unit (WCCU), kasama ang CIDG Nueva Ecija Provincial Field Unit.

Dagdag ng report na ang suspek ay nanghalay ng kanyang anak nila 2015 hanggang 2026 simula nung siya ay 10-taong-gulang pa lamang, at apo na pamangkin ng nahalay na anak simula nung ito ay 11-taong-gulang pa lamang. Tinakot pa aniya ang mga ito na huwag magsumbong.

Hindi na kinaya ng anak ang kalaswaan ng tatay kaya sinumbong niya ito sa ate na hindi nila kasamang naninirahan sa bahay.

Tinakas ng ate ang mga biktima at dinala agad sa Women and Children and Complaints Unit (WCCU), CIDG sa Camp Crame para sa agarang tulong.

Pinarangalan naman ng CIDG ang CIDG Women and Children Complaints Unit (WCCU) na pinamumunuan ni PCOL Cristine M Tabdi para sa matagumpay at agarang pag aresto sa manyakol na suspek. Babantayan din ng CIDG ang pag usad ng kaso.