Carlos Yulo di iimbitahin ang magulang sa kasal

Share

Share

Nahaharap ang nakatatandang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu sa 124 counts of qualified theft kaugnay ng umano’y…

Palaban at walang katakot-takot ang Vivamax star na si Rinoa Halili sa pulong balitaan para sa pinakabagong pelikula…

Isinusulong ni Sen. Loren Legarda ang mas malaking pamumuhunan sa professional development ng mahigit 2.25 milyong…

Isinulong ni Piddig Ilocos Norte Mayor Gina Guillen ang mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda sa kanyang…

Kabaliw talaga ang mga dalahira at katkaterang totoo, huh. Ang beauty queen na si Ashley Montenegro, biktima ng maling…
Kakaiba rin ang gold medalist Filipino gymnast na si Carlos Yulo.
Sa recent interview kasi niya kay Karen Davila ay gusto niya na maging intimate lamang ang kasal nila ni Chloe San Jose. Ayaw niyang madrama ang kanilang kasal at gusto niyang naka-sentro lamang sa kanilang dalawa ang wedding.
With this, tahasang sinabi ni Carlos na hindi niya iimbitahin ang kanyang mga magulang sa kasal nila ni Chloe.
"Kasal po namin yun and relationship po namin yun and mas pipiliin kong kami na lang and ayaw ko ding masira yung moment namin para saming dapat dalawa. Ayaw ko yun mamantsahan pa, and madami na din silang ginawa na pinatawad ko na. And hanggang dun na lang din po. So ahm, hindi po. Gusto ko samin lang po yun and I really wanted to be really full of love and joy kapag nangyari po yun," say ni Carlos.
Marami ang tila nagimbal sa pahayag na iyon ni Carlos.
"Yabang nito nagkapera lng tinakwil ang magulang kung saan sya nanggaling."
"Tama lng aq nmn Ang Magulang mo d aq pupunta sa kasal cno kb ha.?..anak k lng dpt tumatanaw k ng utang na loob sa magulang DHL baligtarin mo man Ang Mundo magulang mo prin cla noh..sa bagay karma is Digital noh.. sana magiging anak nyo wag mana sa ugali nyong 2 noh."
“Marami silang ginawa na pinatawad ko na.” Hugas kamay para hindi siya yung ibash. Sa totoo lang, hindi pa niya napapatawad. Kita naman eh. Kahit yung Papa niya noon na hindi naman kasama sa away nilang mag-ina, di niya pinansin sa parade niya. Kahit yung mga lolo at lola niya di na niya binibisita."
"Saka yang si Angelica matigas din eh, sabagay kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Pare-pareho lang din sila. Puro pera at ayaw palamang sa isa’t isa haha kaya yung mga anak wala na sa puder niya."
Pero mayroon namang kumampi kay Carlos.
"Pag kasi malaki na anak, pabayaan na lang sa mga desisyon sa buhay. Wag na mangialam or maging kontrabida pa para hindi lumayo ang loob sa inyo at mag iisip pa yan mag bigay ng blessing nila sa inyo kahit di nyo hinihingi. Ganun lang ksi dpat ang magulang tiga support lang tlaga tayo. At nasa kanila na yun kung susuklian nila total pag nakikita nman nila na maayos relatioship nyo, mag kukusa yan mag bigay/share kung ano meron sila."
"Hindi natin alam ang history nila kaya wla akong masabi. Ishare ko na lang yong saloobin ko bilang magulang sa aking anak. Kapag nasa tamang edad na sila at kumikita na hayaan natin sila sa kanilang disisyon. Bilang magulang tayo ang aayos ng relasyon natin sa ating anak. Wag natin hayaan na lumayo ang loob nila sa atin. As long as ok sila, masaya sila at maayos na ang magiging future, maging masaya na tayo para sa kanilang buhay na pipiliin at makakasama. Ayokong maging sagabal sa masayang event sa buhay nya. Susuportahan ko sya kung saan sya masaya."