Mayora sa Bulacan sinumbatan taumbayan; nanduro ng konsehal


Sumbat ang sagot ni San Jose del Monte Bulacan Mayor Rida Robes sa mga manonood ng isang basketball game matapos sumigaw ang mga ito ng "tubig! tubig!" sa City Sports Complex noong ika-23 ng gabi.
Bumisita umano ang mayora kasama ang asawang si Congressman Arthur Robes sa Ate Rida's Cup kung saan naka-halftime break ang laban ng team Minuyan Proper at Muzon.
Pagpasok ng mag-asawa ay doon na nagsimula ang madla na mag-chant ng kanilang hinaing sa tubig, bagay na kina-inis ng opisyal.
Ani alkalde, lahat naman daw ng gusto at tulong ayy ibinibigay nila sa nasasakupan kaya bakit pa raw sila kailangang ipahiya.
“Sino ba ang nag-uudyok sa inyo na walang hiyain ang isang Punong-lungsod at Congressman, aba, Mahiya naman kayo!” sigaw niya.
Isinisi rin ng mayora ang pag-chant ng manonood sa ibang opisyal na gusto silang sirain.
Matapos magsalita sa mikropono, lumapit naman ang alklade kay City Councilor Atty. Ronalyn Pordan na nanon ood din sabay pinagalitan habang dinuduro-duro.
Ang chant ng manonood ay kaugnay ng krisis sa tubig ng lungsod na nasa ilalim ng Prime Water. Minsan na ring nagdeklara ng state of calamity sa lungsod dahil sa naturang krisis.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…