Pusang may 29 na daliri, nasungkit ang Guinness World Record



BORACAY — The country's staging of the just-concluded 4th Southeast Asia Open Water Swimming Championships presented by…
All-Pinoy Gilas faces bumpy road to World Cup

June Mar Fajardo did not confirm his decision to hang up his Gilas Pilipinas jersey.

There’s a huge sign hanging at the door of Philippine basketball.

Filipinos aged 18 to 35 now have another chance to enter the iconic Pinoy Big Brother house as GMA Network and ABS-CBN…
Nasungkit ng isang pusa mula sa Kaukauna, Wisconsin, USA ang Guinness World Record para sa pusang may pinakamaraming daliri sa buong mundo matapos maitala ang 29 na daliri nito.
Ang naturang pusa ay isang Maine Coon na nagngangalang Erebus Anomaly, na pagmamay-ari nina Kendra Vandenbloomer at Hunter Nett. Tinalo nito ang dating record holder na si Jake, isang ginger Tabby cat mula sa Canada na may 28 daliri na pumanaw noong 2024 matapos hawakan ang titulo mula pa noong 2002.
Karaniwang may 18 lamang na daliri ang mga pusa—limang daliri sa bawat paws sa harap at apat naman sa bawat paws sa likod.
Kilala ang lahing Maine Coon sa pagkakaroon ng polydactyly o labis na mga daliri. Tinatayang 40 porsyento ng kanilang lahi ay may ganitong kondisyon, na nakatutulong sa kanila upang madaling makalakad sa malalalim na niyebe gamit ang tila natural nilang snowshoes. Sa kabila nito, karaniwang 20 hanggang 22 lamang ang daliri ng mga polydactyl na Maine Coon.
Bagama't karaniwan ang polydactyly sa kanilang lahi, labis na bihira pa rin ang 29 na daliri ni Erebus kaya naman itinuturing siyang isang tunay na record-breaker.
Also read