Skip to content
DYARYO TIRADA

Bilang ng mga kaso ng leptospirosis, tumaas

DON'T expose yourself to floodwater to avoid the rise of leptospirosis.

DON'T expose yourself to floodwater to avoid the rise of leptospirosis.

Text size

Nagsimula nang maramdaman ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng leptospirosis kasunod ng ilang linggong pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat.

Sa isang panayam, tiniyak ni Health Secretary Edwin Mercado ang kahandaan ng ahensya sa posibleng patuloy na pagdami ng mga kaso.

Dahil dito, inactivate na ng DOH ang express lane para sa mga pasyenteng may leptospirosis upang mapabilis ang kanilang pagsusuri at gamutan.

Ayon kay Mercado, nakahanda na ang mga kinakailangang antibiotic, rapid diagnostic test, at hemodialysis units para sa mga pasyenteng may moderate hanggang severe na kondisyon.