Kean, Callalily wala pa ring kibuan



Hindi kumbinsido si Interior Secretary Jonvic Remulla na problema sa grado ang naging motibo sa likod ng pamamaril sa…

Nilinaw ni First Lady Liza Araneta-Marcos na hindi umano nangangahulugang tinalikuran ang mga pilipinong naapektuhan ng…
Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School Campus umaga ng Martes, 18 ng…

Ibinahagi ng aktor na ngayo'y pastor na si Edward Barber na engaged na siya sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si…

Kasalukuyang nasa United States ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil hinatid nila ang kanilang anak na si…
Apat na taon mula nang lisanin ang bandang Callalily, isiniwalat ng dating bokalista na si Kean Cipriano na hindi pa niya talaga nakausap nang masinsinan ang iniwang banda.
Sa isang panayam, sinabi ni Cipriano na may mga bagay na hindi talaga maiiwasan sa industriya.
Aniya, tumiwalag siya noong Hunyo 2022 dahil may ibang mga bagay siyang gustong gawin.
"Noong time na 'yon, 2022, meron akong nararamdaman sa sarili na meron pa akong gustong gawin, and bukod doon kami ng banda, medyo iba-iba 'yong thing namin eh. Iba-iba na 'yong ginagawa namin," kwento niya.
Dagdag ng dating bokalista, tila hindi raw siya masaya noon at may "tension" at "friction" na sa grupo.
"Being in a band for 17 years parang nakilala ninyo na 'yong isa't isa enough. Akala mo magkakakilala na kayo, [pero] syempre nag-iiba na 'yong panahon," saad niya.
Matapos ang kontrobersiyal na paglisan ni Kean, hindi na umano nagkaroon ng pagkakataon na maayos ang naging lamat sa banda lalo na at nabahiran ito ng intriga sa pamamagitan ng social media.
"Siyempre, I feel bad na ganoon kasi pwede naman mag-usap-usap, 'di ba? Naging kumplikado na," sambit ni Kean.
Sa kabila nito, civil pa rin naman daw ang dating grupo kahit hindi na nagkakakita-kita.