Mamboboso, natiklo


Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 53-anyos na electrician matapos umano nitong pasimpleng videohan ang isang babaeng kapitbahay habang naliligo sa isang boarding house sa Quiapo, ayon sa ulat ng pulisya Huwebes.
Kinilala ang suspek na si Romeo Santa-Ines, residente ng Quiapo.
Ayon sa paunang imbestigasyon, naliligo ang 27-anyos na biktimang itinago sa alyas na "Ann" sa loob ng banyo ng kanilang boarding house nang mapansin nitong may nakatutok na mobile phone mula sa itaas na bahagi ng silid.
Nang makitang kinukunan siya habang walang kasuotan, agad na humingi ng tulong ang biktima sa kaniyang asawa. Pinuntahan ng asawa at kapatid ng biktima ang katabing kuwarto na inuukupa ng suspek.
Matapos tumanggi noong una, binuksan din ng suspek ang pinto. Agad na kinuha ng asawa ng biktima ang mobile phone ng suspek at doon natuklasan ang video footage ng naliligong biktima.
Naging dahilan ito ng panggugulo at pag-atake sa suspek bago nakahingi ng saklolo ang mga residente sa mga opisyal ng barangay, na siyang tumawag sa Palanca Police Community Precinct.
Inaresto ng mga nagrespondeng pulis ang suspek bago ito dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa pagsusuring medikal at kalaunan ay inilipat sa istasyon ng pulisya.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Republic Act 9995, o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, laban sa suspek para sa pagsasailalim sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors Office.
Three petitions challenging the constitutionality of the Senate impeachment court’s revised interpretation of the…
A health reform advocate on Wednesday warned that a reduced 2027 budget for the Philippine Health Insurance Corp.…
A person who is down in the gutter should be helped or, in this case, pulled out. And that’s what first responders in…