Kasalukuyang nasa United States ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil hinatid nila ang kanilang anak na si Queenie na mag-aaral ng Forensic Science sa Loyola University Chicago matapos niyang magtapos sa Brent International School Manila.
Ayon sa mga ulat, ang base tuition fee niya ay nagkakahalaga ng $28,465 o halos P1.75 milyon kada semestre, na umaabot sa $56,930 o humigit-kumulang P3.49 milyon bawat taon.
Siniguro ng mag-asawang Pacquiao na maganda ang pasilidad ng tutuluyang bahay ng kanilang anak. Sa ilang social media posts ay makikitang namili ng mga gamit sa bahay ang mag-asawa. Kasama sila ni Queenie nang mag-ayos sa kanyang titirahan
Ang nakakaloka ay ang lumabas na report na hindi lang P3.49 milyon ang maaring gastos ni Manny sa tuition ng kanyang anak. Maaring pumalo sa $77,082 o halos P4.73 milyon kada taon ang magiging gastusin ni Queenie kung isasama ang rental ng bahay, food, books, airfare at iba pang expenses.
Dahil dito, pinuri si Manny dahil binigyan niya ng pagpapaahalaga ang edukasyon para sa kanyang anak.