‘Badjao Girl’ Rita Gaviola imbiyerna sa hosts ng 'KoolPals'



Kakaiba rin ang gold medalist Filipino gymnast na si Carlos Yulo.

Mas mabilis pa sa humaharurot na bala ang paliwanag si Dustin Yu tungkol sa kaniyang sagot niya sa isang beki na…

Umangat ang performance ng mga mag-aaral na Pilipino sa 2025 Program for International Student Assessment (PISA) sa…

Sinimulan na ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang libreng sakay sa Love Bus para sa mga…

Ang nakakatandang kapatid na babae ng aktres at TV host na si Kim Chiu, si Lakambini “Lakam” Chiu, ay nahaharap sa 124…
Galit na galit si Rita Gaviola na kilala bilang “Badjao Girl,” sa podcast host ng “KoolPals” nang mapanood niya ang viral episode ng show kung saan sa pakiwari niya ay nilait ang kapwa niya Badjao.
Sa naturang episode na ipinalabas noong 10, naging panauhin sa show nina Nonong Ballinan, James Caraan, Muman Reyes at Ryes Rems ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary na si Vince Dizon.
Naging topic sa show ang pagbaha sa bansa kasama na rito ang mga mababang lugar sa Metro Manila.
Tinanong ni Nonong si Secretary Dizon ng ganito: "'Di ba lagi po tayong binabaha. Bakit wala pa po akong nakikita sa news na nasalantang Badjao?"
Napakamot pa si Sec. Dizon sabay sabing, "Sanay na. Sanay sa tubig."
Nag-react si Nonong at sinabi ito: "Kasi, di ba, laging nasa streets sila palagi, pero wala pa akong nakita sa news."
Nag-react din ang isa pang host, si Muman: "Kapag lumusong ka sa baha, puwedeng makatapak ka ng Badjao."
Humirit si James: "Nonong, kasi yung tambol nila, floating device din nila yon e."
Tumatawa, ganito ang sagot ni Nonong: "Ganon pala yon. Kaya pala gawa sa PVC pipe."
Napanood ni Rita ang episode at nag-react siya sa kanyang Tiktok account.
"Grabe kayo sa mga Badjao, ha. Grabe yung gigil ko.
"Ang ini-name-drop ko rito, actually, PBB siya before. Grabe kung paano nila maliitin yung mga Badjao, kung paano nila maliitin yung mga katribo ko.
"Sila na nga yung may pinag-aralan pero nagiging b*bo sila sa sinasabi nila," sabi ni Rita.
Nag-react sin siya sa biro ni Muman: "Yung mga sinabi ng isang lalaki na kapag lumusong sa baha, e, puwede kang makatapak ng mga Badjao. Ano tingin niyo sa amin, mga basura?"
"Nakakagigil! Wala kaming ginawa o ipinakitang masama sa inyo, tapos sasabihan niyo lang kami ng ganon.
"Pare-parehas lang tayong mga Pilipino. Pare-parehas lang tayong mga tao, pero bakit sobrang liit ng tingin niyo sa aming mga katutubong Badjao na wala namang ginawang masama sa inyo?
"Nakakagigil, nakakaiyak. Kasi wala naman kaming pinakitang [masama] tapos sasabihin niyo na puwede niyo kaming tapak-tapakan. Bakit, sino ba kayo?" dagdag pa niyang sabi.
Pagkatapos ay bumuhos na ang matinding galit ni Rita.
"Unang-una sa lahat, hindi niyo kami pinapalamon para bastusin niyo kami.
"Kung bastos kayo sa mga katutubo, e, di sige, maging bastos na rin kami.
"Kayo yung nakapagtapos ng pag-aaral, kayo yung may pinag-aralan, pero yung utak niyo patapon."
Nagtaray na rin si Rita kay Nonong na nakasama niya bilang housemate sa Pinoy Big Brother.
"Shoutout sa yo, Nonong. PBB [housemate] ka before, pero sana bago ka magsalita ng mga ganyan, sana inisip mo muna.
"Ang utak mo pabaliktad, e. Nakakagigil, e, wala kaming ipinakitang masama tapos kung bara-barahin niyo kami, parang kilala niyo kami.
Tumalak din si Rita sa naging biro ni James about sa tambol na dala-dala ng ilang Badjao habang namamalimos.
"May sinasabi pa na yung mga tambol namin kesyo floating. Anong gusto niyo, magnakaw kami?
"Aminado kami na namamalimos kami, pero ginagamit namin sa tama.
"At kung sino pa yung matatanda, sila pa yung pasimuno na magsalita ng mga ganyan.
"Kapag tulad niyan, may bagyo o anumang sakuna na dumarating, wala kaming natatanggap na tulong. Nagreklamo ba kami? Hindi.
"Binabastos niyo kami, hindi kami nagsasalita. Kung anu-anong content ang ginagawa niyo sa amin, hindi kami nagsasalita."