Jinggoy naghain ng motion for reconsideration sa pagpiyansa



Opisyal nang kinilala ang Pilipinas bilang number one retirement destination sa buong mundo para sa taong 2026, ayon sa…

Todo kalkal ang netizens ngayon ng baho ni Raymond Gutierrez matapos tila patutsadahan si Heart Evangelista sa kaniyang…

Apat na taon mula nang lisanin ang bandang Callalily, isiniwalat ng dating bokalista na si Kean Cipriano na hindi pa…

Hindi napigilan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na bumuwelta sa…

Sa isang interview, walang takot na sinabi ni Jennica Garcia ang kanyang pet peeve pagdating sa trabaho.
Nagsumite ng petisyon si Senador Jinggoy Estrada para muling ikonsidera ang kaniyang pagpiyansa matapos itong tanggihan ng Sandiganbayan 5th division.
Sa unang inihain na motion to fix bail ng senador, ang kondisyon daw lamang upang mapayagan ito ay kung mahina ang ebidensya laban sa kaniya o kung siya ay flight risk.
Depensa ng kampo ng senador, hindi naman masasabing flight risk ito dahil agad itong sumuko nang ilabas ang warrant of arrest na siyang nagpapakita ng kaniyang respeto sa judisyal na proseso.
Ginawa ring basehan ng motion of reconsideration ng senador ang kaso ni dating Senador Juan Ponce Enrile kung saan siya ay napayagang magpiyansa sa kaniyang non-bailable offense matapos mapatunayang hindi ito flight risk.
Kasalukuyang humaharap si Estrada sa ₱573 milyong flood control plunder na kaso na non-bailable rin o hindi pwedeng magpiyansa.