Pagiging sugarol ni Pujalte itinanggi ng DOH



Patuloy na mino-monitor ang kalagayan ng isang pulis matapos rumesponde sa isang lalaking nag-amok at armado ng itak sa…

Opisyal nang kinilala ang Pilipinas bilang number one retirement destination sa buong mundo para sa taong 2026, ayon sa…

Todo kalkal ang netizens ngayon ng baho ni Raymond Gutierrez matapos tila patutsadahan si Heart Evangelista sa kaniyang…

Apat na taon mula nang lisanin ang bandang Callalily, isiniwalat ng dating bokalista na si Kean Cipriano na hindi pa…

Hindi napigilan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na bumuwelta sa…
Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang alegasyon laban sa kalihim nitong si Dr. Jose "Brix" Pujalte, Jr. na namataan na nagsusugal sa mga kilalang hotel.
Ani sa reklamong inihain sa Presidential Complaint Center, nagsusugal umano ang kalihim sa Okada Manila at Solaire Resort & Casino, bagay na ikinakabahala ng ilan dahil hawak nito ang isang importanteng ahensya.
Buwelta naman ng panig ni Pujalte, kasinungalingan at demolition job lang umano ang alegasyon.
Ani kalihim, nagtungo lamang siya sa Solaire noong ika-20 ng Hulyo upang makipagpulong sa opisyal mula Masbate at Sorsogon na nakikipagtulungan sa DOH kaugnay ng ilang programa.
Wala pang inilalaas na impormasyon ang Palasyo payungkol sa reklamo ngunit sinabi ng ahensya ng kalusugan na patuloy silang nakatuon sa pagbibigay ng magandang serbisyo at hindi maapektuhan ng alegasyon ang kanilang operasyon.
Iniluklok si Pujalte sa posisyon ng pangulo noong ika-13 ng Hulyo matapos magbitiw ni dating Health Secretary Ted Herboso upang pagtuunan ang kaniyang kalusugan matapos ang knee replacement surgery.