Jobert Sucaldito pumanaw na



Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 53-anyos na electrician matapos umano nitong pasimpleng…

Noong Lunes halos apat na oras akong naghanap ng paraan para makauwi.

Hindi kumbinsido si Interior Secretary Jonvic Remulla na problema sa grado ang naging motibo sa likod ng pamamaril sa…

Nilinaw ni First Lady Liza Araneta-Marcos na hindi umano nangangahulugang tinalikuran ang mga pilipinong naapektuhan ng…
Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa loob ng Ateneo de Zamboanga High School Campus umaga ng Martes, 18 ng…
Namaalam na ang veteran showbiz columnist, radio commentator at talent manager na si Jobert Sucaldito.
Ito ang in-announce ni Chaps Manansala sa OOTD Jobert and Chaps Channel sa Facebook ngayong araw, 2 August. Si Chaps ay co-host ni Jobert sa isang online show.
"Sa aming mga minamahal na manonood at tagasuporta, Lubos po naming ipinapaalam na ang aming pinakamamahal na Nanay Jobert Sucaldito ay mapayapang pumanaw ngayong Agosto 2, 2026. Paalam Nanay Jobert Sucaldito, Hanggang sa Muli,” 'yan ang caption sa Facebook post.
Sa kanyang Facebook account, tila hindi pa nagsi-sink in kay Chaps ang pagpanaw ng kanyang co-host.
"Hindi ko alam what am feeling now... calls and messages are overflowing.. sorry kinocompose ko pa sarili ko... Ang sakit na sabihin na wala na po si Nanay Sucaldito Jobert," say niya.
"We will update you.. right now I have to wait for the hospital's advise DOA @philippineheartcenter," dagdag pa niya.
Noong July 10, itsinika ni Chaps na na-confine si Jobert sa hospital.
"We’re now at Providence Hospital. For almost a month now, Nanay Jobert Sucaldito has been experiencing anxiety and has barely been able to sleep. We’re grateful that he finally agreed to be brought to the hospital so he can receive the care he needs," say niya.
"We sincerely ask for your prayers for his fast recovery, healing, and strength. Thank you so much for your love, concern, and continued support," dagdag pa ni Chaps.