Utang ng Pinas sumampa na sa ₱19 trillion


Lumobo na sa ₱19.065 trilyon ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Hunyo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Ayon sa ahensya, unang beses sa kasaysayan sumipa sa 19 trilyon ang naturang halaga.
Tumaas ng 2.8 porsyento ang utang sa loob lamang ng isang buwan na nasa ₱18.546 trilyon noong katapusan ng Mayo.
Dagdag pa, kahit nasa kalahati pa lamang ng taon, mas mataas na ito kaysa taya ng BTr na lolobo ang utang sa ₱19.06 trilyon sa katapusan ng 2026.
Ayon sa datos, umabot sa ₱12.837 trilyon ang domestic debt habang ₱6.227 naman para sa foreign debt.
Anang ahensya, mas mababa kung tutuusin ang utang dahil bahgyang lumakas ang piso kontra dolyar.
"Dahil lumakas ang piso laban sa US dollar at iba pang foreign currencies, nabawasan ng ₱46.46 bilyon ang halaga ng mga utang ng gobyerno kapag kinuwenta sa piso," paliwanag nila.
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’