Thea Astley bagong babae ni Elijah Canlas?



Patay sa kuryente ang isang 11-anyos na babae sa Las Piñas City matapos makuryente sa naputol na wire ng clip fan na…

Naglabas ng pahayag si Senador Loren Legarda matapos kumpirmahin ni Senador Erwin Tulfo kahapon, ika-7 ng Agosto na…

Biglang binawi ng ilang transport group ang kanilang nakatakdang tigil-pasada ngayong Biyernes, 7 Agosto, at Lunes, 10…

Kapansin-pansin ang hindi pagsipot Senador Loren Legarda sa pagdinig ng Senado nitong linggo ukol sa impeachment trial…

Apat sa 18 ex-marines na nagtestigo sa umano'y pagdadala ng maleta sa mga sangkot sa flood control scam ang nagbawi sa…
Nag-viral ngayon sa social media ang aktor na si Elijah Canlas nang kumalat ang isang video na kasama niya ang singer-actress na si Thea Astley habang namamasyal sa isang palengke.
Sweet na sweet ang dalawa at kitang-kita na hinawakan pa ni Elijah ang kamay ni Thea.
Ang tanong tuloy ng marami, hiwalay na nga ba sina Elijah at Miles Ocampo?
Lalo pang uminit ang usapin ng hiwalayan nang marami ang nakapansin na fans na wala na sa TikTok account ni Miles ang video nila ni Elijah habang sumasayaw sa Hong Kong Disneyland.
As of now ay wala pang official statement mula kina Elijah, Miles, o Thea about the viral video. Hindi rin sila nagbibigay ng anumang pahayag sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon kaya nananatiling espekulasyon lang ang lahat sa ngayon.
With this ay sari-saring reaction ang mga netizens sa social media.
"Okay pa sila nung birthday ni Miles. Nag-greeting pa si Elijah at may 'I love you' last May lang. Naka-follow pa sila sa IG ng isa't isa pero hindi na naka-like si Elijah sa recent post ni Miles. Sana PR lang ito since may pinopromote silang movie ni Thea, pero bad PR nito."
"Akala ko low-key lang sila ni Miles sa relationship nila. Wasn't expecting na break na sila."
Kinumpirma nina Elijah at Miles ang kanilang relasyon noong 2022 at nag-break ang dalawa noong 2023. A year after, noong 2024 ay naayos nila ang gusot sa kanilang relasyon at sila'y nagkabalikan.