Philippine passort, umakyat sa Ika-72 sa global passport ranking



Sumbat ang sagot ni San Jose del Monte Bulacan Mayor Rida Robes sa mga manonood ng isang basketball game matapos…

Nasungkit ng isang pusa mula sa Kaukauna, Wisconsin, USA ang Guinness World Record para sa pusang may pinakamaraming…

Pinangunahan ng National Book Development Board (NBDB), sa pakikipagtulungan ng Department of Budget and Management…

Nagsimula nang maramdaman ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng leptospirosis kasunod ng…

Patuloy na mino-monitor ang kalagayan ng isang pulis matapos rumesponde sa isang lalaking nag-amok at armado ng itak sa…
Bahagyang umangat ang ranggo ng Philippine passport sa pinakahuling pandaigdigang talaan ng Henley Passport Index. Mula sa ika-75 puwesto noong 2025, umakyat ito sa ika-72 ngayong taon.
Sinusukat ng Henley Passport Index ang lakas ng mga pasaporte batay sa dami ng mga bansang maaaring pasukin ng kanilang mga may hawak nang hindi na kinakailangang kumuha ng visa bago bumiyahe.
Nanatiling nangunguna ang Singapore bilang may pinakamalakas na pasaporte sa mundo, na nagbibigay ng visa-free o visa-on-arrival access sa 192 destinasyon.
Samantala, ang mga may hawak ng Philippine passport ay maaari nang makabiyahe sa 66 na destinasyon sa pamamagitan ng visa-free o visa-on-arrival access.
Ayon sa Henley Passport Index, ang pag-angat ng ranggo ng Pilipinas ay sumasalamin sa unti-unting paglawak ng travel mobility ng mga Pilipino at mas madaling pagpasok sa iba pang mga bansa.