P6.7-B pondo ng SEA Games 2019 kikilatisin



Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang publiko sa inaasahang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong…

Tiklo ang isang 25-anyos na X-ray technician sa Tondo, Manila matapos mahuling kumukuha ng video ng isang pasyente…

Tinangka ng mga pulis na arestuhin ang dating Associated Press editor at beteranong photojournalist na si Bullit…

Nanguna si Senador Robin Padilla sa pinakabagong survey ng Pulse Asia para sa mga pinipiling kandidato sa pagka-senador…

Matapos mapagtagumpayang makaabot sa round of 16 ng isa sa pinakamalalaking torneo sa buong mundo, saglit na pahinga…
Ikakasa na ng National Bureau of Investigatin (NBI) ang imbestigasyon sa umanong maanomalyang paggamit ng pondo noong Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, P6.7 bilyon ang perang inilagay ng Department of Budget and Management (DBM), Philippine Sports Commission (PSC), at ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na isang pribadong institusyon para sa pag-organize ng palaro.
Ani rin ni Matibag, bumuo ng "Task Force Cash Cow" ang NBI para espesyal na tumutok sa isyu ng naturang patimpalak.
Nakipag-ugnayan na rin daw sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Commission on Audit (COA), at Securities and Exchange Commission (SEC) upang makita kung paano ginamit ang pondo.
"Kaya susuriin natin ang mga record [ng BIR], at hihingi tayo ng tulong sa COA at sa SEC. Kailangan nilang magsumite ng mga na-audit na financial statement dahil nakarehistro sila sa ilalim ng mga batas ng SEC," saad ni Matibag sa Ingles sa isang panayam.
Kinumpirma rin ng NBI chief na nagpadala na sila ng subpoena sa pitong indibidwal kasama sina PHISGOC chairman Ramon “Tats” Suzara, Chief Financial Officer Dexter Estacio, at Corporate Secretary John Lester Buenconsejo na siyang makakapanayan nila sa Lunes.
"Sa ngayon, nagpadala na kami ng subpoena sa mga pitong tao. Yung iba, haharap sa Lunes, at yung iba naman sa Martes," dagdag niya.