Modernong Lucena Port Terminal bubuksan sa Agosto


Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
Nakatakdang buksan sa susunod na buwan ang bagong modernong terminal ng Lucena Port sa Quezon, matapos itong personal na inspeksyunin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kahapon.
Inaasahang magpapabilis ang bagong pasilidad sa paglalakbay ng mga pasahero at higit pang magpapalakas sa kalakalan, turismo, at ekonomiya ng Southern Luzon at mga karatig-lalawigan.
Kabilang sa mga tampok ng bagong Lucena Port Terminal ang air-conditioned na waiting area na may kapasidad na hanggang 1,000 pasahero, automated ticketing counters para sa mas mabilis at mas maayos na transaksyon, at mga modernong palikuran para sa dagdag na kaginhawaan ng mga biyahero.
Ayon kay Pangulong Marcos, bahagi ang proyekto ng patuloy na programa ng pamahalaan na gawing mas moderno, episyente, at komportable ang mga pantalan sa bansa.
Ang Port of Lucena ang pangunahing roll-on/roll-off (RoRo) gateway ng Southern Luzon na nag-uugnay sa Quezon at sa mga lalawigan ng Marinduque at Romblon.
Inaasahan ding makatutulong ang modernisasyon ng pantalan sa pagpapaluwag ng daloy ng mga pasahero, pagpapalago ng mga lokal na negosyo, at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga komunidad sa rehiyon.