Ombudsman: Romualdez sinubukang tumakas



Naiulat na nasangkot ang Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkson sa isang magulong insidente kasama ang rapper na si…

Kaugnay ito sa kanyang "cough challenge" para sa netizens, matapos mabansagang ubo ng ubo sa mga teleserye.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro noong Lunes, titiyakin ng administrasyong…

Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT) ang paglulunsad ng non-stop na biyahe sa pagitan ng Los Angeles at…

Nakiusap si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa mga kumuha ng video at nag-livestream sa loob ng Ospital ng…
Nagtangka umanong umalis ng bansa si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, ayon sa Office of the Ombudsman.
Ito ay sa kabila ng ipinataw precautionary hold departure order (PHDO) ng Sandiganbayan sa akusado.
"Sa kabila ng inilabas na precautionary hold departure order ng Sandiganbayan, nakatanggap ang tanggapang ito ng mapagkakatiwalaang ulat mula sa intelligence na hindi pa rin tumitigil ang dating Speaker na si Martin Romualdez sa pagtatangkang umalis ng bansa," ani Assistant Ombudsman Clavano sa isang press conference.
Hinikayat din ni Clavano ang mga ahensya na mas higpitan ang pagbabantay at huwag hayaang may makatakas.
Sa parehong conference, inanunsyo rin ng assistant ombudsman na nasa preliminary investigation na ang reklamo ng plunder kontra Romualdez.
Hindi pa man pormal na nakakasuhan, may mga ebidensya at transaksyon umano silang nakalap kaugnay ng reklamo.
"Ang mga rekord na nagmula sa Anti-Money Laundering Council, mga money service business, at mga istrukturang pangkorporasyon na ayon sa aming mga imbestigador ay ginamit bilang mga kasangkapan sa nasabing iskema, kapag pinagsama-sama at sinuri, ay iisa ang isinasaad na kuwento," aniya.
Bumwelta naman ang kampo ni Romualdez na hindi totoo ang mga alegasyon ng tangkang pagtakas at handa silang harapin ang mga reklamo laban dito.
"Nananatili siya sa bansa at mananatili rito hanggang sa panahong malinis niya ang kanyang pangalan," anila.