
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Muling pinanindigan ni Vice President Sara Duterte ang kanyang linyang “bloodbath” para ilarawan ang kanyang impeachment case sa ikalawang araw ng Senate impeachment trial nitong Martes, ika-7 ng Hulyo. Dahil dito, napa-kuwestiyon ang ilang mambabatas.
"In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed,” pahayag ni Duterte sa media nang pumunta ito sa Senado para makipagpulong sa kanyang legal counsel.
Para naman sa mga kritiko, hindi na kailangan ang mga brutal na salita ng Bise Presidente.
"Bakit puro bloody ang script? Impeachment trial ito, hindi action movie. Ang tanong ng taumbayan, sasagutin ba ang ebidensiya o puro drama na lang?" ani Akbayan Representative Chel Diokno.
Samantala, hinamon naman ni House Impeachment Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang Bise Presidente, na hindi sumipot sa mismong pagdinig.
"Welcome to the bloodbath, Madam Vice President. But you cannot have a bloodbath through proxies. Attend the trial, confront the truth," hirit ni Ridon bilang resbak sa madramang pahayag ng VP.
Sa ikalawang araw ng pagdinig, muling binalikan ang umano'y death threat ni Duterte noong 2024 laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa pamilya nito, na siyang mitsa ng kanyang impeachment case.
Tumayo sa witness stand si National Bureau of Investigation (NBI) Senior Agent John Mark Calilung, na ipinatawag ng prosecution para patunayan na totoo ang livestream video ni Duterte.
"Sinabi ko sa kanya kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke, no joke," isa sa mga linyang binitawan ni Duterte na iprinisinta sa Senado.
Sa isang hiwalay na press conference naman, binanggit din niya ang kagustuhang "pugutan" ang pangulo.
"Gusto kong tanggalin ‘yung ulo niya," aniya.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…