
The World Bank
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Kinilala ng World Bank ang Pilipinas bilang isang upper-middle-income economy batay sa pinakabagong income classification nito.
Naabot ng bansa ang mahalagang tagumpay na ito matapos umabot sa US$4,850 ang gross national income (GNI) per capita, o karaniwang kita ng bawat Pilipino. Lumampas ito sa itinakdang threshold na US$4,636 para sa kasalukuyang fiscal year.
Ayon sa World Bank, ang pag-upgrade ay bunga ng matatag na paglago ng ekonomiya ng bansa, kung saan nagtala ang Pilipinas ng average na 5.8 percent na paglago ng gross domestic product (GDP) mula 2021 hanggang 2025.
Kabilang sa mga pangunahing salik sa pag-angat ng bansa ang patuloy na pagbangon ng ekonomiya matapos ang pandemya, pagtaas ng consumer spending, paglago ng sektor ng serbisyo—lalo na ng industriya ng business process outsourcing (BPO) o call centers—malaking ambag ng remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), at tuloy-tuloy na pamumuhunan sa imprastraktura at iba pang negosyo.
Dahil sa bagong katayuan ng Pilipinas bilang isang upper-middle-income economy, inaasahang mas tataas ang kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan. Maaari itong magbunga ng mas maraming pamumuhunan, pagpasok ng mga bagong negosyo, at paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…