Permit ng Day 2 INC Rally, posibleng Kanselahin – QC LGU


Posibleng kanselahin ng Quezon City LGU ang permit para sa ikalawang araw ng rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument.
Ayon kay Quezon City Public Order and Safety Department Chief, Retired Gen. Elmo San Diego, maaaring bawiin ng lokal na pamahalaan ang permit kung lalabagin ng INC ang alinman sa mga kondisyon, patakaran, o kasunduang itinakda bago ito aprubahan.
Ipinaliwanag ni San Diego na orihinal na humiling ang grupo ng apat na araw na permit para sa kanilang aktibidad. Gayunman, isang araw lamang ang inaprubahan ng LGU upang mabigyang-daan ang pagsusuri sa magiging epekto nito sa daloy ng trapiko at sa sitwasyon ng seguridad aniya, nakadepende sa resulta ng assessment kung palalawigin pa ang bisa ng permit.
Nagbabala rin ang opisyal sa grupo matapos silang obligahing mag-aplay ng permit kasunod ng isinagawa nilang biglaang pagtitipon na walang paunang pahintulot mula sa lokal na pamahalaan.
Two Lasallian campuses faced security threats Thursday, adding to a growing string of school scares that has continued…
Some couples regard a public marriage proposal as romantic. A pair in China decided to do it during the concert of a…
Tulfo advised the prosecution panel to be more mindful of the lawyers it assigns to present witnesses to keep the…
The attempt to sabotage a flydubai airlines flight may have been intended not only to endanger its 174 passengers but…