

Nasa mahigit 700,000 bariles ng krudo mula sa Russia ang dumating na sa Pilipinas. Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng deklarasyon ng state of national energy emergency sa bansa dulot ng sigalot sa Middle East.
Dumaong ang nasabing shipment sa Petro Bataan Refinery sa Limay sakay ng barkong Sara Sky, isang carrier na may bandilang Sierra Leone.
Ayon sa ulat, nagmula ang krudo sa Russia at ang Petron Corporation ang tumanggap ng nasabing produkto.