SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Ynez Veneracion nakipagpuksaan sa basher

Ynez Veneracion: Don't be too mean to others.
Ynez Veneracion: Don't be too mean to others. Facebook
Published on

Hindi pinalampas ni Ynez Veneracion ang isang basher at talagang nakipagpuksaan siya rito.

Nagkomento kasi ang basher at nagsabing hindi na gumagalaw ang mukha ni Ynez 

"Di na nagalaw mukha amp," say ng basher.

Agad-agad naman siyang pinatulan ni Ynez.

"Weeeeh??? Ikaw lang nagsabi nyan! Itigil mo na kasi 'yan. Baka atakihin ka! Ma-tokhang ka bigla!" sagot ng sexy actress.

Ayaw magpatalo ng basher at sinagot si Ynez ng, "Luh baduy. 'Di matangap sa sarili na 'di na nagalaw ang mukha ahaha laos."

Siyempre, hindi naman patatalo si Ynez at sinagot niya muli ang basher.

"Ang low class mo mang-bash! Sad ka ba sa buhay? Kung ano man ang pinagdadaanan mo, kaya mo yan! Magdasal ka kasi! 'Wag masyado mataas tingin sa self ha? 'Wag mang-away baka makarma ka," talak ng sexy star.

"One more thing, don't be too mean to others. One day the bad things you do might come back to you. Life is short, so just try to be a good person so when your time comes, there's a place for you in heaven," dagdag pa niya.

Hindi rin ito pinalampas ng basher na nagsabing, "Ok lang. Mahalaga alam ko sa sarili ko gumagalaw mukha ko. Wala namang masama sa sinabi ko at totoo naman."

Bumuwelta muli si Ynez and said: "Ay totoo? Kung totoo ang sinasabi mo e 'di sana hindi na ako nakakapag salita? 'Wag ngang b*b*! At sige, gow i-galaw mo ng i-galaw ang pagmumukha mo hanggang sa ma-stroke ka hahahahah! At least ako mabuting tao. Ikaw, anong klaseng animal ka? Masaya ka ba sa ginagawa mo? Nasaan ang bait mo baklang parot?"

Kaloka ang puksaan ng dalawa, 'di ba?

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph