

Spotted ang aktres na si Jillian Ward sa boxing match ni Eman Bacosa Pacquiao, kasama ang pamilya ng boksingero nitong Sabado, ika-28 ng Pebrero.
Suot ang orange jacket na may tatak na "Team Eman," buong-suportang naupo ang aktres sa audience kasama ang ina ng boksingero na si Joana Bacosa at ang mga kapatid nito.
Nasungkit naman ng anak ng Pambansang Kamao ang panalo para sa rekord na 8-0-1, matapos ang isang 4th-round victory laban sa katunggaling si Reynold Kundimang ng Indonesia sa Bohol Cultural Center sa Tagbilaran City.