NBI Director Matibag, itinangging gantimpala ang kanyang posisyon


Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
Itinanggi ni bagong National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na isang gantimpala ang kanyang pagkakatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kaugnay ng disbarment case na isinampa niya laban kay Harry Roque.
Ayon kay Matibag, hindi dapat agad lagyan ng kulay ang kanyang appointment at mas mainam na suriin ang kanyang magiging pagganap sa tungkulin. Aniya, maaari ring tingnan ang kanyang track record sa mga dati na niyang hinawakang posisyon sa pamahalaan, kabilang ang Manila International Airport Authority.
Matatandaang naghain si Matibag ng disbarment complaint laban kay Roque noong Setyembre 2024. Kaugnay ito ng kontrobersiyal na “polvoron video” na iniuugnay sa Pangulo.
Iginiit ni Matibag na hiwalay ang usaping legal sa kanyang bagong papel sa NBI.