SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Huwag gawin ang paniningil ng utang sa Facebook

ISANG high school teacher inaresto sa kasong cyberlibel matapos maningil ng utang sa social media.
ISANG high school teacher inaresto sa kasong cyberlibel matapos maningil ng utang sa social media.PNP Anti-Cybercrime Group.
Published on

TACLOBAN CITY – Huwag gawin ang paniningil ng utang sa Facebook.

Ito marahil ang aral na natutunan ni “Badet,” isang 45-taong gulang na high school teacher sa pampublikong paaralan sa Tacloban City, matapos itong arestuhin ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit noong 18 February 2026.

Kinasuhan si “Badet” ng paglabag sa Section 4(c)(4) ng RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), o cyberlibel, matapos itong mag-post sa Facebook tungkol sa hindi pagbabayad ng isang nagkautang sa kanya.

Ayon sa mga otoridad, nainis ang guro dahil hindi ito nakasingil sa kabila ng nakasunduang araw ng pagbabayad.

Nagsampa ng kaso ang may utang dahil inilagay umano siya sa kahihiyan.

Nagtakda ang korte ng P48,000 na piyansa para sa pansamantang paglaya ng guro.

“Dedicated to promoting a safe and fair online environment, the PNP ACG urges all internet users to act responsibly and respect the rights and reputations of others,” pahayag ni P/BGEN Wilson Asueta, Acting Director ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG).

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph